Joey Ayala with Tapati and Onie Badiang on Himigsikan 2012
Simpleng Yaman 
(Awit ng Isang Mangingisda)
Composed and Performed by Onie Badiang
in Joey Ayala's Album, "Mga Awit ng Mandaragat"
Himigsikan 2012, February 26 | University of the Philippines, Diliman

Ako'y milyonaryo sa buhangin
Ingat yaman sa aplaya
Ang mansion ko ay malawak
Kailangan pang mamangka 
Mula sa sala hanggang sa kusina
Simple lang

Ako'y edukado, matalino
Nababasa'ng panahon
Balediktoryan, may medalya sa pangingisda
Sa pagiging ama, kum lawde pa
Simple lang

Simpleng yaman, simpleng mayaman
Sa yamang di natutumbasan
Ng pilak at ginto
Simple lamang ang magpayaman
Kabilang dito ang pagkatao

Ako'y heredero, tagapagmana                               
Sa lahat ng nakikita                                         

At kung nais pwede ritong tumira                       
Kung kaya n'yo ang buhay mayaman                
Simple lang

Simpleng yaman, simpleng mayaman
Sa yamang di natutumbasan
Ng pilak at ginto
Simple lamang ang magpayaman
Kabilang dito ang pagkatao

Simpleng yaman, simpleng mayaman                           More Videos on Himigsikan 2012:
Sa yamang di natutumbasan                                               * Agila (Haring Ibon)
Ng pilak at ginto                                                                * Walang Hanggang Paalam
Simple lamang ang magpayaman
Kabilang dito ang pagkatao

Balang araw, sa pagpanaw
Pamana ko sa inyo
Ang lahat ng nakikita'y inyo na
Sa simpleng alaga at ingat
Ay t'yak yayaman ka

Simple lang
Simpleng yaman, simpleng mayaman
Sa yamang di natutumbasan
Ng pilak at ginto
Simple lamang ang magpayaman
Kabilang dito ang pagkatao





Share this in Google Reader TwitThis Share

0 comments

Post a Comment

Your Ad Here

Subscribe here

Joey Ayala on Himigsikan 2012: "Agila"