by Joey Ayala
with Tapati and Onie Badiang
Himigsikan 2012, February 26
University of the Philippines, Diliman
Nais kong lumipad tulad ng agila
At lumutang-lutang sa hangin
Magkaroon ng pugad sa puso ng kagubatan
‘Nguni’t ito ay panaginip lang
At maaaring di matupad
Pagka’t ang kagubatan ay unti-unting nawawala
Mga puno nito’y nanginginang-bayan
At ‘pag walang puno wala na ring mapupugaran
Kapag ang agila’y walang pugad
Wala na siyang dahilang lumipad
Photo & Video by Sweetverni
Agila by Joey Ayala - Himigsikan 2012 UP Diliman
O haring ibon – hari kong tunay
Nais kong tumulong
Nang kaharian mo’y muling mabuhay
Kung nais mong makakita ng agila
Huwag kang tumingala at tumitig sa langit
‘Pagka’t ang mga agila nitong ating bayan
Ang iba’y nabihag na
Ang natitira’y bihirang magpakita
Tiniklop na nila ang kanilang mga pakpak
Hinubad na nila ang kanilang mga plumahe
Sila’y nagsipagtago sa natitirang gubat
Ang lahi ba nila’y tuluyan nang mawala
O haring ibon – hari kong tunay
Nais kong tumulong
Nang kaharian mo’y muling mabuhay
More Videos on Himigsikan 2012:
* Walang Hanggang Paalam (Bagong Buwan OST)
* Simpleng Yaman (Awit ng Isang Mangingisda)
More Videos on Himigsikan 2012:
* Walang Hanggang Paalam (Bagong Buwan OST)
* Simpleng Yaman (Awit ng Isang Mangingisda)
0 comments